Kanina, pagkakita ko ng F sa mga grades ko,
kumain ako ng isang thigh part na manok na may kasamang kanin na dilaw, isang
slice ng Hawaiian pizza at ng realidad.
Singko,
F. Bagsak. Ganoon.
Nag
flash back sa akin iyong mga kaba ko at anxiety na naramdaman ko netong sem na
ito para sa subject na ito. Halos itong subject lang na ito inaral ko. Wala
akong ibang inisip na syllabus kundi iyong sa subject na ito. Tatlong libro.
Gabi-gabi hanggang umagahan sa kanto. Malala. Pakiramdam ko bar exams na siya.
Hindi biro. Hindi ko rin maintindihan sarili ko bakit ako nagpakatimang ng
ganoon, pero wala eh, naramdaman ko talaga siya. Parang kapag nagmahal ka tapos
mali iyong tao, wala eh bigla mo na lang naramdaman. Pero hindi, mas malala
ito. Mas masaklap bumagsak sa subjects sa law school kaysa ma heart-broken.
Hindi
na ako virgin sa singko, nauna na ang ObliCon binyagan ako bago ito. Pero hindi
ako napa-blog ng unang singko ko, ngayon, oo. Sabi ko noon, after kong sumulat
ng isang blog na binasa ng halos 300,000+ beses ng kung sinu-sino, susulat lang
ako ulit kapag tungkol na sa pagpasa ko sa bar ang ikwekwento ko. O kapag sa
wakas, may love life na akong hindi joke joke. Pero hindi ko ito kayang
kimkimin, hindi talaga, kailangan ko itong ilabas. Pramis. Paisa lang.
Masakit.
Sabi
nila, “the first cut is the deepest”. Tsaring, tsaring! Basta cut, masakit
iyan. Huwag nang ano.
Sa
tatlong taon ko sa law school, oo umiiyak ako, minsan nga napapabukas pa ako ng
bible eh, pero ngayong sem lang na ito ako napa-Quiapo nang disoras na umiiyak
at walang pakiaalam kung may makakita sa akin na humahagulgol sa salamin ng
nakahigang Nazareno with matching katok-katok. Sa totoo lang hindi ko alam
bakit ito kinakatok pero ginagawa nila, so sunod nalang. Paulit-ulit kong
sinabi Sa kanya na, Boss, gusto ko po talagang maging abogada. Gustong-gusto!
Wala akong ibang pangarap kung hindi ang maging abogada. Nag-aaral naman po
ako, at alam ko ilalaban ko ito hanggang dulo, kahit anong mangyari. Gusto ko
po talaga, pramis magiging mabuti akong tao.
Magsasara
na ang dasalan sa simbahan, at noong mga oras na iyon, hindi ko alam kung
papaano ako uuwi. Parang pakiramdam na nawalan ako ng trabaho, niloko ako ng
asawa ko, wala akong kapera-pera, may sakit ang nanay ng kabitbahay namin, uggh
parang eksena sa pelikula. Parang ayoko na ituloy. Hina ba ng utak ko? O baka
naman ipinipilit ko na masyado? Napaisip ako, baka naman hindi talaga ako para
dito, baka pang mowdeling? Acting? Singer? or housewife? Baka President ng
Association ng fans club ni John Lloyd Cruz, nationwide!? Sige, labu-labo na
ito. Lord naman. Ang sakit-sakit naman!!!
Gusto
kong kompyutin lahat ng ginastos ko sa Starbucks at Mcdo sa kanto namin at mga
itinakas ko sa opisina at ikinaltas sa sahod ko para lang makapag-aral sa kanto
ng subject na ito. Tuwing Tuesday, naka sick leave ako haha!! Tumakas pa ako sa
klase ni Judge para lang makahabol ng basa dito, gumapang palabas ng library
kasi nandoon din siya, papaano ako lalabas? haha. Bago pa magsimula ang sem,
binabasa ko na itong subject na ito. Kahit nasa ibang bansa ako, dala-dala ko
ang makapal na libro ni Dean. Gusto ko siyang ipasa, ng isang take lang. Kasi
kaya naman nila eh. Kaya nila. Bakit ako hindi? Pero bumagsak ako, bumagsak pa
rin ako. Alam ko naman na noong una pa lang, walang patutunguhan ang 35/100
kong midterm exam. Haay saklap! Na kahit perpekin ko ang finals at kahit dumaan
pa ang Holy Spirit kay Ma'am, sasablay pa rin talaga. Pero nag dasal ako, sa
Sto Domingo, sa Saint Peter's, sa Quiapo, sa Saint Jude, sa mga nadadaanan kong
simbahan habang nakasakay sa jeep, ibinubulong kong sana pumasa ako dito.
Nilaban ko parin, kasi dati, iyong 23/100 nailaban ko at nagawa kong maconvince
ang prof kong I-tres ako kasi na top ko final exam niya. Pero sa Civ Pro!? Haha
malabo. Lokohan na lang. haha
Bakit
nga ba gusto kong maging abogada? Hirap-hirap. Wooo. Di pa ba matatapos ito?
Hindi
ko alam. Kaechusan nalang naman talaga kapag “para makatulong sa mahihirap”,
ate, pwede naman kahit hindi ka abogado. Huwag kang ano. Haaaayy, naubos ko na
ata lahat ng hangin ng QC sa lalim ng buntong hininga ko. Sorry sa mga
kapitbahay ko, isang gabi lang. Please.
Masakit
bumagsak. Kasi alam mong nag-aral ka eh. Medyo minalas ka lang kasi hindi mo
nadaanan mga natanong sa exam. Kulang pa, teh. Effort pa.
Sa
tatlong taon, wala akong ibang inisip kung hindi ang matapos na ito.
Binibilangan ko sarili ko kung ilang pasko at valentine pa akong single, chos,
kung ilang beses pa bago ako makabitan ng “ATTY.” sa pangalan kong may Mary.
Pakiramdam ko kasi parang naka-pause buhay ko. Hindi ko maoohan mga magagadang
trabaho na sana, kung tinanggap ko, maluwag na sa finances pamilya ko. Baka
kung sakaling ibang field tinahak ko, hindi lang break-even expenses ng pamilya
ko sa income ko. Baka may sobra, baka nadadala ko rin magulang ko sa ibang
bansa – nagpipicture ng pang instagram, may savings, may position na. Baka.
Baka gabi-gabe din akong nagiisip na sana, hindi ko isinuko iyong pangarap kong
maging abogada.
Laban!
UNA.
Gusto kong sabihin sa lahat na sobrang demanding ang law school pero hndi dapat
siya maging dahilan para kalimutan natin kung ano ang mas mahalaga. Diyos.
Pamilya. May buhay ka pa maliban sa mga libro at kasong iyan. Uubusin ng law
school ang oras, pera at energy mo pero isang side lang iyon ng buhay. Huwag
mong hayaang dumating iyong oras na itinaboy ka na ng mga tao o bagay na
nilalaanan mo ng mga pinagsasakripisyohan at pinaghihirapan mo. Huwag kang OA. Please.
Nasagot
mo sana iyong tanong, natapos mo sana iyong exam..kung hindi ka lang sana
praning, OA at pressured. Minsan, simple lang iyong tanong eh, chinecheck lang
ng prof kung nagkabisa ka ba talaga. Kaso inaaway mo pa iyong tanong,
naghihinala ka pang trick question iyon at tratraydorin ka. Hindi magkaparehas
ang jowa sa law school exams. Okay na?!
Sa
sobrang pamremressure ko sa sarili kong magbasa ng kung anu-ano, hindi ko
nasasagot or rather, hindi ko sinasagot mga messages at tawag ng parents ko, ng
mga kaibigan ko. Usually, tatlo lang kinakausap ko para kahit papano maramdaman
kong tao pa ako. Sa kanto na ako halos nakatira. Ini-indian ko rin ang mga
kaibigan kong hobby na ang isumpa ako sa dalas nang pandro-drawing ko sa
kanila. Bakit? Kasi ayokong ikwento kung gaano ako nagpapakatimang sa gusto
kong abutin. Ayokong makita nila na nag s-struggle ako, na mukha akong
miserable, na onti na lang, susuko na talaga ako. Ayoko na. Haaay, hindi pwede.
Tulad ng karamihan sa mga law students, alam ng mga kanayon nila na matalino,
magiging abodago sila, na malakas loob nila. Kaya hindi pwede, hindi talaga.
PANGALAWA.
Magtiwala sa proseso. Kung ibinagsak ka ng professor mo dahil trip niya lang,
lakas ngang maka BS noon pero magtiwala ka pa rin sa proseso. Lahat iyan, parte
ng training mo, training mong maging mabuting tao, mabuting abogado. Kung
ibinagsak ka ng professor dahil alam mong nagkulang ka talaga, magpasalamat ka
dahil ayaw niyang dumating ang panahong minumura mo siya ng hard core habang
nag babar exam ka kasi wala ka naman talagang natutunan sa subject niya. Iyon
lang naman iyon.
PANGATLO. Hindi dahil kaya ng iba, kaya mo rin ng
katulad ng pagkaka-kaya nila. Hindi ko sinasabing hindi mo kaya, of course,
kaya mo. Kaya ko! Pero may scheduling kasi ata talaga iyan eh haha joke.
Iba-iba tayo ng drama sa buhay. Kaya. Hindi makakatulong sa iyo ang icompare mo
ang sarili mo sa iba. Hindi dahil pumasa sila at bumagsak ka eh mas matalino o
magaling na sila. Hindi ka bobo. Mas nakapag-aral lang sila. Or mas focus sila
sa goal. Maraming factors. Pwedeng mas magaan ng 0.01 dinadala nila sa iyo kaya
ganoon. Bakit mo pa ba iniisip kung bakit? Hindi na noon mababago grade mo.
Oo
alam ko, pare-pareho lang tayo ng desire na pumasa at lahat tayo may mga
sinasakripisyo. Pero hindi parin talaga dapat ang mag compare. Magkaiba talaga eh. Iyong iba hindi nakakaebak ng
walang bidet, iyong iba kerry kahit walang tubig, yes! Truth! So, there's
really no point in comparing. Hindi mo ikapapasa iyan, ate. Hindi batayan ang
grades sa law school para sukatin ang kalidad ng pagkataong mayroon ka.
Hinding-hindi.
PANGAPAT.
Hindi ka nagsasakripisyo ng kung anu-ano para lang sa wala. Isipin mo ang mga
oras na sana tinulungan mo ang nanay mong mag saing at magsampay, kaso busy ka
sa pagdadigest, or mga oras na sana rumaraket ka para may pangbayad kayo ng
bills sa bahay, or sana naka date mo na iyong kinaka-obsesan mo ng dalawang
taon kaso may pasok ka ng Sunday, or nakasama ka sa mga kaibigan mo, nakapag
mall, nakanood ng sine, nakaligo ng ligong pantao, nakakakain ng masarap na
walang time limit, peace of mind… iyong ganoon. Katahimikan ng utak na limited
lang kaya minsan minsan mo lang na-avail. Iyon.
Kapag
aral, aral! Itigil na ang pagpapanggap na umuupo ka sa kanto ng 16 hours, pagod
na pagod pero hindi mo pa rin tapos ang coverage ng assignment niyo kasi ang
dami-dami mo pang ibang iniisip. Iwan mo na sa bahay niyo ang issue mo tungkol
sa kabitbahay mong 2 am kung kumanta ng “I don't wanna miss a thing” at “Run to
you”, iwan mo na sa kung saan iyong worry mo tungkol sa hindi mo natapos na
trabaho. Huwag mo nang isipin kung bakit hindi ka nireplyan ng crush mo pero
seen zone. Pabayaan mo muna iyong bills, iyong globe, hindi sila nababawasan sa
kakaisip mo sa kanila.
Hindi
ko sinasabing huwag mong intindihin ang away ng magulang mo, o pabayaan mong
maputulan kayo ng kuryente at mapalayas sa apartment, o tanggapin mo na lang na
loner ka na. Nagsasakripisyo ka na eh, timbangin mo. Kalimutan mo MUNA. Hindi
masosolusyunan ng pag-aalala mo ang mga problema sa ibang parte ng buhay mo.
Sabi
nga ng professor ko sa subject na ito, hindi naman iyong bulk ng binabasa,
inaaral o isinusulat iyong nakakamatay. Stress at pressure talaga. Iyon iyon.
Ito
iyong nag-aral ka, nagmemorize ka pa, pero noong tinawag ka, “ma'am?” lang
nasabi mo.
Grumaduate
ka na ng college, professional ka na. Kahit puro 77 pa grades mo noon, still,
may napatunayan ka na kahit papaano. Hindi ka bobo, the mere fact na nakapasok
ka sa law school at nakabisa mo kung ano
ang treachery, bongga ka na doon. Maawa ka naman sa sarili mo. Huwag kang
timang at praning. Enjoyin mo na lang, idasal mo. Ganoon talaga. Hindi mo
kontrolado ang mga bagay-bagay. Kahit kailan, hindi ka magiging “prepared na
prepared”, may sapi iyang profs mo na kahit nag cover to cover ka na, may
itatanong pa rin silang hindi mo nadaanan. Ngayon ka maniwalang ang formula ay
SIPAG + DASAL + SWERTE.
Excited
ako sa 2018. Oo, isang taong late sa plano ko. At ayokong magpakaimpokrita,
hindi pa ako sigurado na sa 2018, bar year ko na talaga. Pero dinadasal ko na
siya sa puso ko, alam ko ibibigay Niya. At kung hindi man, hindi magbabago sa
puso ko na magsimula noong una, kasama ko Siya sa bawat iyak at kaba, alam ko
may katapusan ito. Excited ako sa 2018. Kasi pagkatapos ng lahat ng hirap at
sakripisyo, makakalandi at tulog na ako. Tsaring tsaring. Makakapagtrabaho na
ako ng maayos, makaka-ipon, magkakaoras na ako ng todo sa nanay at tatay kong
hindi na bumabata. Mas makikita ko na iyong mundong hindi lang coffee shop sa
kanto, school, at trabaho ang iniikutan. Excited ako kasi kahit hindi smooth
sailing, taas noo—tinapos ko po.
Bago
ko matapos ito, umidlip muna ako. Ayokong umiyak eh. Nagkulang naman talaga
ako. Pag gising ko medyo madilim na. Buti nagising na ako. Nanaginip akong nag
top ako sa bar, iniinterview ako sa TV at ang ganda ko, pramis. Buti, gising na
ako. Haha
Masakit
talagang bumagsak. Pero wala eh, wala ka nang magagawa doon. Tapos na.
Bangon
na, uulit ka pa ng subject “with prayers and hard work, please” last na sana!
:)
#lawstudent #paytlangpayt #lawschool #blues #failed
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMore blog pa po about your life as a law student ate MJ. pangarap ko rin po kasi yan . fourth yr nako BS-Customs ang course ko. sana makapasok dn ako sa law school
ReplyDelete.