Saturday, December 13, 2014

LAW STUDENT AKO. Nakakabilib pakinggan, ang hirap panindigan. (Unang blog, apat na araw nang gising)




Nagpupuyat ka magdamag kaka-aral, araw-araw nagdadamit ka ng maganda para ano? Para patayuin, murahin at sumagot ng “I am sorry ma’am/sir, I do not know the answer”. 

Laude ka noong college? O lisensyadong accountant, teacher, engineer, architect or doctor? Wala silang pakialam. Tulad ng iba, na nakaraos sa college sa puro seventy-five na grade, mapapahiya ka at kakabahan.

Hindi ko alam, minsan parang nakakatawang isipin na kailangan mong pahirapan yoong sarili mo, imbes na nasa party ka, nakikipag-date, kasama pamilya, may sapat na tulog… asa coffee shop ka, hindi ka nagpapa-cute,  ngumunguya ka ng mga batas or asa library, minamaster mo ang pagbabasa ng pikit ang mata dahil dalawang araw ka nang gising kakamemorize.

Laking catholic school ako, pero noong pumasok ako sa law school napagtanto kong panis ang orasang rosary crusade sa dati kong school. Sa law school ako natutong mag express novena, maka-experience  araw-araw ng “close encounter” Sakanya (tuwing recit, humihiling na sana huwag munang mabunot yoong class card ko, na pramis, next week, aaralin ko na talaga lahat), itaas ang codal ng civil code sa Quiapo sabay dasal na sana , ipasa ka nang professor mong top 1 sa Bar Exams, sumali sa mga bible studies na tumatagal ng kalahating araw (na dati, yoong isang oras na misa sa relihiyon mo, binabargainan mo pa ng 15 minutes na bawas), at higit sa lahat, ang maging madasalin.

Sa kung sino man ang nagsabing “madali lang ang mag-aral ng batas, enjoyin mo lang” ay gusto kong sampalin ng hollow blocks, twelve na piraso, na may kasamang pala. Second year palang ako pero pakiramdamn ko, andami ko nang sakit. Heart ailment (mga mini heart attacks. araw-araw, tuwing bumabalasa ng class cards ang prof), ulcer (kakakape at hindi tama at regular na pagkain), LBM (oras-oras lalo kapag si ano ang prof mo haha, nakaka ebak sa kaba) at ramdam ko baog na rin ako kasi pati ata matres ko nailuwa ko na. Tama nga, “you have to produce something out from nothing”.    

Mahirap. Mahirap talaga. Lalo na kapag kailangan mo pang magtrabaho sa umaga para may pangtustos ka sa mga gastusin at pangkape sa Starbucks na kung saan isang 150 lang order mo pero parang tenant ka na nila sa tagal ng itinanambay mo, dinaig mo na ang love story na mula sunset to sunrise ang tema. Mahirap. Hindi madali. Sabi nila, hindi mo raw dapat pinagsisiksikan ang sarili mo. You should know your worth and that you deserve better. Well, kung late ka na at wala ka nang budget pang taxi, wala ka nang ibang choice kundi wag magmaarte at ipagduldulan ang sarili mo sa MRT/LRT para lang wag malate sa ala-sais mong klase habang…hawak mo yung codal mo, last sulyap ba.

Noong bata ako, ayokong napapakinggan ang mga linyang “bukas luluhod ang mga tala” at “may himala”. (pasintabi sa mga fansa nila). Ngayon, para na silang chewing gum, panghahawakan mo kahit na alam mong lugmok ka na.
Noong first year ako, napaisip talaga ako kung bakit may mga professors na laging galit, kailangang manigaw, magmura at mangpahiya. Kung hindi alam yoong sagot, e di ibagsak mo sa grade. Papagalitan mo pa, shunga na nga. Pero narealized ko rin yoong sa tingin kong dalawang swak na rason. Una, walang love life si sir/ma’am at hindi kasalanan ng mga law students yoon. Self-inflicted yoon at applicable ang “misery loves company”. Pangalawa, siguro dahil mas mararahas ang tao paglabas ng law school. Hindi nalang mura kundi bala, hindi nalang pagpapahiya kundi dudurugin ka talaga ng may hininga ka pa. Training. Tama, training. Yes. Ang galling nila mag-train. haha   

Naalala ko yoong unang tanong sa akin ng professor ko sa first day ko sa law school. “Why do you want to become a lawyer?” at hanggang ngayon, sa totoo lang, napapa-isip pa rin ako, bakit nga ba?! Kailangan kong mag sakripisyo ng oras, tulog, pera, opportunity sa career at higit sa lahat, ang chance magkalove-life para saan? Honestly, hindi ko alam. Pero sigurado ako, ito talaga yoong gusto ko. Na kahit buwis-bituka, hindi ko pwedeng itigil.

Mahirap, oo; pero hindi imposible. Nagawa na ng iba eh, baka kapag hindi mo isinuko, magawa mo rin. Walang masama sa mapahiya kahit titulado ka, mapalabas ng classroom kahit 45 years old ka na, bumagsak sa exam kahit laude ka. Wala. Kailngan mo lang humanap ng makakapitan para maituloy at matapos mo ang laban.

Napaka powerful ng Diyos. Sa paniniwalang kinalakhan ko, nagawa niya ang mundo sa loob ng pitong araw. Ano sa tingin mo? Hindi niya kayang ibigay sa iyo yang apat na letra lang na may tuldok? Sus! Isang utot lang Niya ‘yan! Eh bat pinahihirapan ka pa Niya? Actually, trip-trip Niya lang?! Simple, siguro, para may baon ka kapag hawak mo na yung apat na letrang may tuldok. Baon na magpapa-alala sa iyo kung para saan ang hustisya at constant reminder sa mga pagkakataong sumubok at humubog sa pagkatao mo bilang tamang nilalang. 


Payt lang nag payt! Syempre, kahit ang Diyos namahinga rin. Tao ka lang. hindi ka immortal.:)

73 comments:

  1. Tama nga talaga, ang hirap maging law student.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Miss Sorongon! ;)

      Payt lang nang payt!!!
      Happy New Year!

      Delete
  2. The feels girl!! HAHAHHAHA araw-araw ko tinataong sarili ko, BAKIT KA ANDITO???AHAHHAHAH

    ReplyDelete
    Replies
    1. The feeling is mutual. Buti pa dito mutual, sa love hindi haha joke lang. :) payt lang! Wala naman magbibilang kung ilan beses tayo mapapahiya basta sa huli, pumapasa parin hehe

      Delete
  3. Replies
    1. Maybe that is the reason why the blog isn't about mas mahirap ang maging law student kesa (med) student; least, it was not even entitled "mas mahirap ang maging law student kaysa ang maging (med) student.

      No further arguments ;).
      JSYK, My sister is in her 3rd year, Med School. Walang makakakwestyon kung gaano kahirap din ang ginagawa ng ganiya niya. :)

      Wishing you a good day and vibes all the way!

      Delete
    2. hehe. that makes you a law student.. (nice one)
      and that makes iska a med student..

      But if someone would compare : eto masasabi ko :parehas naman mahirap. ask a fish how to climb a tree and ask the flying squirrel how to swim.. they would surely have different opinions.. but it;s not about ano ang mas mahirap but ano ba gusto natin? diba? Sana wala nlng comparison kasi if life naman ang pinaglalaban ng med students, ganun din sa law students. Any person who doesn't deserve punishment and gets one has also a life (destroyed partially/full)

      no further arguments.. ;)

      Delete
    3. eto lng masasabi ko, mas mahirap ang exam na essay type kesa sa multiple choice..yun lng...hahaha

      Delete
    4. Tama ka dun Coyzz at hindi lang basta essay. Dapat ilagay mo din yung batas na applicable sa sagot mo with explanation.

      Delete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Hindi lang iyon, kapag bumagsak ka at inulit, masteral na ang tawag sa iyo, at kapag bumagsak ka uli PhD ka na.. Naku wag lang umabot ng 50% ng total enrolled units ang bagsak mo kundi goodbye ka na lalo na sa law school namin, mahigpit. Minsan iisipin mo lalo na pag midterms at final exams bakit isina subject ko ang saril ko sa ganitong torture.Pero kahit 3 lang ang final grade mo,para ka na ring tumama sa sweeptakes!

    ReplyDelete
    Replies
    1. One day, all the sacrifices will be worth it. :) God bless, ma'am. Marami pang babasahin at idadasal hehehehe

      Delete
    2. tama ka dyan, Mary Joyce,no matter how painstaking law school is kakayanin, kung nakayanan ng iba kakayanin natin yan tyaga lang!

      Delete
    3. classmates pala tayo maΓ‘m sa isang subject! hehe god bless... finals week!! hehe

      Delete
  6. Five years ako sa law school. Peptic ulcer, astigmatism, anemia, panic attacks, anxiety, UTI dahil sa kaka-Starbucks, high blood glucose, lahat na. Photocopy dito, photocopy doon. Hindi na baleng walang pang-dinner basta makapagpaphotocopy ng materials. Sa law school ako natutong magmura, mag-undertime sa trabaho, umabsent sa office, tumanggi sa night out, di manood ng paborito kong tv shows, di agad magreply sa texts.

    Tapos kung kelan patapos na ang last year, second sem..I failed Civ Law Review II. Ang saklap di ba. Sila, mag-ba-bar exams na, ako, mag-eenroll pa lang. Pero narealize ko, naka-four and a half years na ako...ngayon pa ba ako susuko? Payt lang nang payt!!! Good luck & God bless! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. :) sa law school ko rin natikman ang kauna-unahang bagsak na marka sa tanan ng buhay ko haha (naks). okay lang iyon, ma'am. idagdag mo na ako sa bilang ng mga taong nagdadasal sa pag pasa niyo. onting kembot nalang po :) hehehehe

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  7. payt lang tayo ng payt. . huhu, nanaiiyak ako, itong pagsasalarawan na ito ang pinaka accurate na decription ng buhay sa law school! Godbless Ms Gaspi!

    ReplyDelete
  8. Yung dahil sa puyat nag break down katawan mo. Tapos aral pa more, tapos papahiyain lang ni...

    Payt lang! God is in control. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung naeebak ka na sa kaba haha 10 minutes before exam gusto mo nalang umuwi at matulog na hahaha

      payt lang :)

      Delete
  9. Yung feeling rin na kahit isang oras lang ang klase eh parang 3 oras na... Para bang ang bagal tumakbo ng oras.

    ReplyDelete
  10. the pain and the suffering are all worth it... fight lang :)

    ReplyDelete
  11. Kay iska md, tanong mo sa medico-legal kung anong mas mahirap baka mapahiya ka. Masyado kang feelingera di naman nakikipag kompitesya yun mga law student sa inyong mga med student. Insecure na frog ka ate

    ReplyDelete
    Replies
    1. huwag patola :) hehe ebribadi happy :)

      God bless

      Delete
  12. Too exaggerated... Maybe you're not Studying right... You're not working... You have all the time in the world to make a schedule, eat right, wake up early, and concentrate... Working students should be the ones complaining because they don't have enough time and strength to study...

    ReplyDelete
    Replies
    1. :) I do have a job sir; currently employed as a loan processor and clearing assitant at a government bank.

      It takes someone who works in a bank to know how difficult it is not to have a regular meal break and leave the branch exacty at 5 pm.

      My schedule, just to share it with you works like this :)
      8-5: work
      5-6: travel to school
      6-10: school
      I should be home by 1130; the fact that I live in Fairview and my school is in Manila.
      Then sleep for about an hour or two, then read and read and reac until 5 am, prep for work.

      Everyday :) except for Sundays, where I need to fix things up because I live far from home (probinsyana).

      Delete
    2. Minsan, hindi mo na maiisip ang matulog dahil mayroon ka pang isang daang articles, pages ng annotated book at 30-40 cases na kailangang mabasa pero limang oras nalang ang mayroon ka. :)

      Delete
    3. i've read the entire thing.. (from there, even if it was not explicitly stated na working student.. malalaman naman na working tlga)..
      just wonderin' why Rizal assumed that the author is a full time student

      #just saying#

      Delete
  13. Your blog took me down memory lane. I have a hunch we belong to the same lawschool. Continue fighting future panera. In the end its all worth it. I suffered my worst heartache during my last year in lawschool. It did not deter me, in fact, it made me even stronger and very determined to prove my detractors wrong. After the dust settled, it was sweet for me and bitter for them because i happened to have the last say as i was the speaker during the testimonial dinner for the bar passers and i minced no words in telling the school adminstrators that what they did to me was wrong. No less than the supreme court vindicated me. As one friend put it "you came back with a vengeance". Goodluck study hard but party harder.

    ReplyDelete
    Replies
    1. :) thank you, atty. :) God Bless!

      Delete
    2. Hi atty. I am a mother of 6 now, and want to enroll in a law school nearby my place. Is it possible po ba na kaya ko ang kursong ito? Despite po sa naranasan ko sa buhay puro pasakit na lang mula sa mga tao, ang tumulak sa akin ngayon na kumuha o mag aral sa kursong ito. Sana po mabigyan nyo ako ng tip atty. Thanks and godbless!

      Delete
  14. That feeling na kinakababahan ka, nanlalamig at parang natatae pag nag recitation na. Haha.

    ReplyDelete
  15. Ang astig mo talaga Ate! Nakilala ka na namin last sem nung binibentahan mo kami ng ticket kaso nakalimutan ko na kung anong ticket nga ulit un. Hahaha! Pinasaya mo kami nung araw na un. At ngayon, pinalakas mo naman lalo ang loob para wag sumuko. Thankyou! :) Nakakayurak man ng pagkatao, payt lang ng payt! God Bless :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ticket sa fund raising ng bar ops ata :) God bless din ehehe

      Delete
  16. totoo!!

    proud law student here!! khit aq gang ngaun ngtatanong bat aq pumasok sa law school!!

    ps: pacopya po ng ilang linya!! i found it cute! thanks!

    ReplyDelete
  17. "Sa kung sino man ang nagsabing 'madali lang ang mag-aral ng batas, enjoyin mo lang' ay gusto kong sampalin ng hollow blocks, twelve na piraso, na may kasamang pala." MASAKIT YAN! OUCH!

    ReplyDelete
  18. Replies
    1. Para kasi kilala ko yung nagsabi nung statement na yan.

      Delete
    2. Hindi ko maalalang sinabi niyo iyan hehe ang naaalala ko po eh iyong "hindi imposible, kaya ng iba. Mag pray, nasa Kanya naman lahat ang sagot."

      Parang never niyong sinabing madali haha

      Delete
  19. JOYCE NAKAKA- INSPIRE KA. NAPAG SASABAY MO ANG WORK NATIN SA SCHOOLING MO. :D

    ReplyDelete
  20. Kaya no yan, payt lang at manalig sa kanya

    ReplyDelete
  21. Muntik na din ako ma suspend sa work dahil sa kakaundertime para maghabol ng basa for the last time before the class para sa recitation.

    ReplyDelete
  22. My girlfriend is a law student. She also has an 8-5 job in the province, and she has about 2-3-hour commute everyday. She sleeps 3-4 hours everyday, before I wake her up so that she can do a 5-7-hour reading marathon, or finish her pending Memoranda from her work. On the weekends, she goes to school for a good 10 hours each on Saturday and Sunday. Do we go on dates? No. Do we talk often? No. Do we even see each other? No (I would love to, everyday, but we are 13,000 kilometers apart). Do we complain? No. Do trust and support each other? Yes. Am I proud of her? DAMN STRAIGHT I AM. She's one hell of a woman (in a positive way, nay-sayers keep out! Lol)

    Sa mga nagbabalak manligaw sa mga working law student kagaya ni binibining may-akda, wag kayo padadala sa sinasabi ng iba na sakit sa ulo ang magkaron ng minamahal na working law student. Walang imposible. Medyo mahirap, pero posible. May mga oras na mararamdaman mo na di ka nya priority, na pinapabayaan ka nya, na wala syang oras sayo... Wag. Wag mo i-entertain yung mga isipin na ganun. Mahal ka nya, kasi despite ng hinaharap nya na hirap sa trabaho at sa law school, sinagot ka nya. Wag na wag mong pagseselosan ang pangarap nya. Bagkos, mahalin mo at suportahan ang pangarap nya. Suportahan mo sya sa mga basahin nya. Sagutin mo ang mga katanungang situational nya tungkol sa binabasa nya, kahit mangmang ka sa usaping batas. At kapag nagawa mo yun, makikita mo sa kanya na kahit mahirap, palaban nyang haharapin yun, at kakaibang proud moments ang mararamdaman mo.

    Kay binibining may akda, at sa lahat ng mga law student dito, saludo ako sa inyo! Laban lang! pasasaan at maaabot nyo din ang minimithi nyo!

    ReplyDelete
  23. Salamat, mr. law student's boyfriend. :)

    ReplyDelete
  24. Wow. 3rd year Legal Management student po ako and natatakot ako habang papalapit na yung time na gagraduate ako kasi papasok na ng Law School. Lalo akong nainspire na pagbutihan lagi. :) Hahahaha (naiinspire akong gawin yung case digest ko na 104 cases). Salamat po for giving me an inspiration. Hanggang ngayon di ko din po alam kung bakit gusto kong maging abogado. Pero I know someday malalaman ko din kung bakit ko gusto to. :) Kudos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi, 2015 pa last comment mo, so i hope naka graduate ka na. natuloy ka ba sa law school mo?
      Gusto ko rin kasi mag law .

      Delete
    2. Graduating po ako sa March. Try ko po if makapasa sa UP or sa DLSU.

      Delete
    3. Ako yung Nagcomment nung sa taas. Hahahhaa

      Delete
  25. Hi po, balak ko pong maglaw. Saan po kaya magandang school for working student? Yung kaya po ng bulsa? Kakayanin ko pong pagsabayin ang trabaho at pag aaral. Payt lng ng payt

    Thanks

    ReplyDelete
  26. Wow nakaka inspire po kayo na mag-aaral ako ng law, pero may halong takotπŸ˜‚πŸ˜‚ na basta Diyos na Ang bahala😊😊😊.. Pwede magtanong?? Minimorize niyo po ba Ang mga Republic Act. Chuchu??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depende. Minsan, oo, sa recit. Minsan, sa exam, safer na hindi. HEHE

      Delete
  27. Hello po, alam ko po matagal na po itong post na to. Gusto ko lang po mag tanong sa mga lawyer na dito kung pwede pa ba ako mag aral ng law kahit 4-6 yrs na akong graduate from bachelor's degree. Thankyou po Godbless.

    ReplyDelete
  28. GUSTONG GUSTO KO DIN MAG ARAL NG LAW..πŸ₯Ί

    ReplyDelete
  29. Gusto ko talaga mag-aral lawyer para masubok yung galing ko at maging professional lawyer

    ReplyDelete