Nagpupuyat ka magdamag
kaka-aral, araw-araw nagdadamit ka ng maganda para ano? Para patayuin, murahin
at sumagot ng “I am sorry ma’am/sir, I do not know the answer”.
Laude ka noong college? O lisensyadong
accountant, teacher, engineer, architect or doctor? Wala silang pakialam. Tulad
ng iba, na nakaraos sa college sa puro seventy-five na grade, mapapahiya ka at
kakabahan.
Hindi ko alam, minsan parang
nakakatawang isipin na kailangan mong pahirapan yoong sarili mo, imbes na nasa
party ka, nakikipag-date, kasama pamilya, may sapat na tulog… asa coffee shop
ka, hindi ka nagpapa-cute, ngumunguya ka
ng mga batas or asa library, minamaster mo ang pagbabasa ng pikit ang mata
dahil dalawang araw ka nang gising kakamemorize.
Laking catholic school ako,
pero noong pumasok ako sa law school napagtanto kong panis ang orasang rosary
crusade sa dati kong school. Sa law school ako natutong mag express novena,
maka-experience araw-araw ng “close
encounter” Sakanya (tuwing recit, humihiling na sana huwag munang mabunot yoong
class card ko, na pramis, next week, aaralin ko na talaga lahat), itaas ang
codal ng civil code sa Quiapo sabay dasal na sana , ipasa ka nang professor
mong top 1 sa Bar Exams, sumali sa mga bible studies na tumatagal ng kalahating
araw (na dati, yoong isang oras na misa sa relihiyon mo, binabargainan mo pa ng
15 minutes na bawas), at higit sa lahat, ang maging madasalin.
Sa kung sino man ang
nagsabing “madali lang ang mag-aral ng batas, enjoyin mo lang” ay gusto kong
sampalin ng hollow blocks, twelve na piraso, na may kasamang pala. Second year
palang ako pero pakiramdamn ko, andami ko nang sakit. Heart ailment (mga mini
heart attacks. araw-araw, tuwing bumabalasa ng class cards ang prof), ulcer
(kakakape at hindi tama at regular na pagkain), LBM (oras-oras lalo kapag si
ano ang prof mo haha, nakaka ebak sa kaba) at ramdam ko baog na rin ako kasi pati
ata matres ko nailuwa ko na. Tama nga, “you have to produce something out from
nothing”.
Mahirap. Mahirap talaga. Lalo
na kapag kailangan mo pang magtrabaho sa umaga para may pangtustos ka sa mga
gastusin at pangkape sa Starbucks na kung saan isang 150 lang order mo pero
parang tenant ka na nila sa tagal ng itinanambay mo, dinaig mo na ang love
story na mula sunset to sunrise ang tema. Mahirap. Hindi madali. Sabi nila,
hindi mo raw dapat pinagsisiksikan ang sarili mo. You should know your worth
and that you deserve better. Well, kung late ka na at wala ka nang budget pang
taxi, wala ka nang ibang choice kundi wag magmaarte at ipagduldulan ang sarili
mo sa MRT/LRT para lang wag malate sa ala-sais mong klase habang…hawak mo yung
codal mo, last sulyap ba.
Noong bata ako, ayokong
napapakinggan ang mga linyang “bukas luluhod ang mga tala” at “may himala”. (pasintabi
sa mga fansa nila). Ngayon, para na silang chewing gum, panghahawakan mo kahit
na alam mong lugmok ka na.
Noong first year ako,
napaisip talaga ako kung bakit may mga professors na laging galit, kailangang
manigaw, magmura at mangpahiya. Kung hindi alam yoong sagot, e di ibagsak mo sa
grade. Papagalitan mo pa, shunga na nga. Pero narealized ko rin yoong sa tingin
kong dalawang swak na rason. Una, walang love life si sir/ma’am at hindi
kasalanan ng mga law students yoon. Self-inflicted yoon at applicable ang “misery
loves company”. Pangalawa, siguro dahil mas mararahas ang tao paglabas ng law
school. Hindi nalang mura kundi bala, hindi nalang pagpapahiya kundi dudurugin
ka talaga ng may hininga ka pa. Training. Tama, training. Yes. Ang galling nila
mag-train. haha
Naalala ko yoong unang
tanong sa akin ng professor ko sa first day ko sa law school. “Why do you want
to become a lawyer?” at hanggang ngayon, sa totoo lang, napapa-isip pa rin ako,
bakit nga ba?! Kailangan kong mag sakripisyo ng oras, tulog, pera, opportunity
sa career at higit sa lahat, ang chance magkalove-life para saan? Honestly,
hindi ko alam. Pero sigurado ako, ito talaga yoong gusto ko. Na kahit
buwis-bituka, hindi ko pwedeng itigil.
Mahirap, oo; pero hindi
imposible. Nagawa na ng iba eh, baka kapag hindi mo isinuko, magawa mo rin. Walang
masama sa mapahiya kahit titulado ka, mapalabas ng classroom kahit 45 years old
ka na, bumagsak sa exam kahit laude ka. Wala. Kailngan mo lang humanap ng
makakapitan para maituloy at matapos mo ang laban.
Napaka powerful ng Diyos. Sa
paniniwalang kinalakhan ko, nagawa niya ang mundo sa loob ng pitong araw. Ano sa
tingin mo? Hindi niya kayang ibigay sa iyo yang apat na letra lang na may
tuldok? Sus! Isang utot lang Niya ‘yan! Eh bat pinahihirapan ka pa Niya? Actually,
trip-trip Niya lang?! Simple, siguro, para may baon ka kapag hawak mo na yung
apat na letrang may tuldok. Baon na magpapa-alala sa iyo kung para saan ang
hustisya at constant reminder sa mga pagkakataong sumubok at humubog sa pagkatao
mo bilang tamang nilalang.
Payt lang nag payt! Syempre,
kahit ang Diyos namahinga rin. Tao ka lang. hindi ka immortal.:)